Sa Maluwag na kalsada
Dun lagi kaming nagkikita-kita
Kwentuhan at Chismisan
Sa tapat ng Tindahan ni BIGAN
Isang barkadang nabuo
Iba’t – ibang ugali at emosyon
Porma at Tono
Sa kalokohan iisa ang koro
Si “BIGAN” may ari ng tindahan
Promotor ng lutuan at inuman
Si EWEN na chismis ang dala
Pero sa chismisan sya ang usapan ng iba
Trez Pukeliaz LALA, DANENG at D’ANN
Nangunguna sa kakirihan
Pati na sa chismis at galaan
MARIA na kulot
Na ang mukha raw ay laging lukot
Pero taga pamagitan sa gulo at gusot
Eto naman si JHUNE JHUNE
Miss Gay ang kilos at galaw
Sa bola kanya lahat ng hataw
HAROLD at TEBONG,
Magkatunggali sa Balibol at laro
Pati ba naman sa eskwelahan pinapasukan
Nagpaparamihan sila ng alam
Si KHULA na laging nakahilata
Na animo’y parang hinipan na gagamba.
Si KARIH na laging nakaapak,
Nung nabasted parang kandilang naaapak.
Sila’y minsan naging tambalan
Tampulan ng kantyawan,
Nauwi sa ligawan,
San kaya hahantong ang kanilang kalagayan.
Abangan…………
Sa Pagdating ni UKOY
Hangin laging humahapay
Pero sa inuman siya ang laging taga-tagay
MUYMOY, na laging cha
Patok sa sayaw na parang si curacha
Ewan ko lang kung marunong syang magcha-cha
SHERYL, sa comp. shop sya ang bantay
Sa labas si Pabling ang laging hinihintay
OGIE, pogi na sana ang dating
Pero Bisaya pa rin ang tinig
LEONA, na may sariling mundo
Kaya sa iba insecurity ang nabubuo
EMON, sa chix ay kilabot
Sa pag-uwi nya galing trabaho
shot agad ang sagot
J’KAN na matangkad
Kaso ang utak ay bumabaliktad
BEKONG at DAGUL pag-nagsama
Nagmimistulang gabi kahit umaga
RIKET at EU-EU na laging makasaw
Sa asaran sila ang nangingibabaw
Sangang dikit si JAB at KHULAZ
Sa RNB at RAP sila’y walang kalas
DENNIS na may sa bula,
Sa pagkilos kanya lahat ang gawa.
Si BEBE ang boss, manager, amo,
Sa ibang bansa sya’y natatrabaho.
PENDONG emotugs ang dating,
Sa klase wala syang ihahambing.
Mataba at maliit na si LEO
Sa pag-aaral di siya nalalayo.
JHELLY pagdating sa inuman
sya ay laging siga,
Pero outside d' kulambo
naman ang drama.
Nurse on duty etong si JANNA,
Sa pag-uwi sya’y mukhang ginahasa.
Bunso ng barkad na si FATIMA,
Sa kakulitan wala kayong panama.
Mayaman daw siya, sabi niya…
Eh hindi naman pala…
Ang duo na YHENG at YME,
Sa dutihan sila ang kumukeme,
Kaya sa sermon lagging nakekeme.
At ako, na nagsulat nito
kasali din ako dito
Kung anuman sila, ganun din ako.
Yan ang aming grupo….
Sa iba kami’y patay gutom
Sa kainan nama’y wala kaming gutom
Ingay man ang aming dala
Kasiyahan ang dulot sa bawat isa
Huo nga sa tindahan
Kami’y laging may inuman
sa problema walang kaming iwanan
Masama man sa tingin ng marami
Buo pa rin ang barkadang “SHUTAITOMI”
At kung di mo man nagustuhan
Ang sinula’t kong ito
At least pinakita ko
Kung ano ang BARKADANG TOTOO…
(SHUTAiTOMi)
kaming mga IV - PRiME,sa labas ng room..
tampulan ng paninita, kami ang laging nakikita.
minsan, nakakairita na.sa amin, nayayabangan daw sila.
yun ang kanilang akala. sa loob ng room, puno ng kasiyahan,
laging may asaran, ndi mawawala ang tawanan.
kht na minsan, nagkakatampuhan. at nauuwi sa sampalan,
suntukan, sabunutan at saksakan. ndi man umamin e nagmamahalan. iibigin kung sinong mapusuan hanggang sa magkainlaban at paniguradong pagchichismisan. DEDMA lang! tuloy ang pag-iibigan.
sa test, nagkokopyahan. kahit na alam naman. kaya pag nahuli ng teacher, tawanan.
speaking of teacher naman,
iba'y kinatutuwaan, iba'y kinasusuklaman.
pero ayos lang yan.
at least, MASAYA naman.
sa project, palate-an ang pasahan.
pag may sinipag eh pinagtatawanan.
pag nagkaisa, eh walang makalaban.
natatakot ke RENMARK na ubod sa kagandahan.
anuman ang pagdaanan,
magkalayo man, e parang magkakapatid na
iba't iba ang tahanan.
by: JORDAN ERiCK C. MAMARiL
Comments (0) · Received (0)